Back

ⓘ Arkeolohiya - Arkeolohiya, Arkeolohiyang pambibliya, Panahon ng Bakal, Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto, Museo ng Israel, Ehiptolohiya, Impormasyon, Troya ..




                                               

Arkeolohiya

Ang arkeolohiya ay ang pag-aaral sa mga kailangán ng tao sa pamamagitan ng pagbawi, pagdukumento at pagsusuri ng mga materyal na labi, kabilang ang arkitektura, mga artifact, mga biofact, labi ng mga tao, at mga tanawin. Ang pagbibigay linaw sa kasaysayan, bago pa ang kasaysayan, pag-aasal at ebolusyong kultural ng tao ang layunin ng arkeolohiya. Ito lamang ang disiplina na nagtataglay ng kaparaanan at teoriya para sa pagtipon at pagpapaliwanag ng impormasyon tungkol sa nakaraan ng tao bago pa na may nasusulat na kasaysayan, at maari din gumawa ng isang kritikal na alay sa ating pagkaunawa ...

                                               

Arkeolohiyang pambibliya

Ang arkeolohiyang pambibliya, arkeolohiyang biblikal, o arkeolohiyang makabibliya ay ang arkeolohiya na nauukol sa Bibliya. Ang nangingibabaw na pananaw ng mga arkeologo na gumagawa sa Gitnang Silangan partikular sa Palestina/Israel sa sinasabing panahong Biblikal ay ang mga kuwento sa Bibliya ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal na natagpuan sa mga lugar na ito. Sa katunayan, ang terminong biblikal na arkeolohiya ay isinantabi na at ang mas pinapaborang termino ng mga arkeolohiya ng Gitnang Silangan sa kasalukuyang panahon ang arkeolohiyang Siro-Palestinyano.

                                               

Panahon ng Bakal

Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Kadalasang sumasabay ang mga ganitong paghiram sa mga ibang pagbabago sa lipunan, kabilang ang mga magkakaibang pagsasanay sa pagsasaka, mga paniniwalang pang-relihiyon. Sa kasaysayan, pinakahuling prinsipal na panahon sa sistema ng tatlong-panahon para sa pag-uuri ng mga lipunang bago ang kasaysayan, nauna ang Panahon ng Tanso. Nag-iiba ang petsa at konteksto ng panahong ito, depende sa bansa o rehiyong pang-heograpiya. Ang lathalaing i ...

                                               

Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto

Ang Ikalabingwalong Dinastiya ng Sinaunang Ehipto o Dinastiyang XVIII ay marahil ang pinakakilala sa lahat ng mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto. Kabilang sa mga sikat na paraon sa dinastiyang ito ang paraon na si Tutankhamun na ang pagkakatuklas ng libingan nito ni Howard Carter noong 1922 ay isang sensasyonal na pagkakatuklas sa arkeolohiya sa kabila ng pagkaistorbo ng libingang ito ng mga magnanakaw ng libingan. Ang dinastiyang ito ay minsang kilala bilang Dinastiyang Thutmosid dahil ang apat sa mga paraon nito ay pinangalanang Thutmosis. Bukod kay Tutankhamen, ang mga sikat na paraon ni ...

                                               

Museo ng Israel

Ang Museo ng Israel sa Herusalem ay itinatag noong 1965 ng Israel bilang pambansang museo. Ito ay nakatayo sa isang burol sa distrito ng Givat Ram, Herusalem, na malapit sa Museo ng Lupaing nasa Bibliya, Ang Pambansang Kampus para sa Arkeolohiya ng Israel, Knesit, Kataas-Taasang Hukuman ng Israel, at Hebreong Unibersidad ng Herusalem.

                                               

Ehiptolohiya

Ang Ehiptolohiya ang pag-aaral ng kasaysayan, wika, panitikan, relihiyon, at sining ng Sinaunang Ehipto mula ikalimang milenyo BCE hanggang sa wakas ng pagsasanay ng mga kasanayang relihiyoso nito noong ika-apat na siglo KP. Ang nagsasanay ng disiplinang ito ay tinatawag na Ehiptologo. Sa Europa, partiklular sa Kontinente, ang Ehiptolohiya ay pangunahing itinuturing na isang displinang pilolohikal samantalang sa Hilagang Amerika ay itinuturing na sangay ng arkeolohiya. Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

                                               

Impormasyon

Ang kasaysayan o historya ay ginagamit bilang isang pangkalahatang kataga para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bilang pangalan ng isang pinagaaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao. Ginagamit ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang maraming uri ng pinanggagalingang nakatala, kabilang ang mga sinulat o nilimbag na mga tala, mga panayam binigkas na kasaysayan, at arkeolohiya. Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may ...

                                               

Arkitekturang Neoklasiko

Ang arkitekturang Neoklasiko ay isang estilo ng arkitektura na isinabuhay ng kilusang Neoklasiko na nagsimula noong kalagitnaan ng ika-18 siglo sa Italya at Pransiya. Ang pag-usad ng arkeolohiya ay mahalaga sa paglitaw ng Neoklasikong arkitektura. Ang mga pook ng paghuhukay tulad ng sa Pompeii at Herculano ay nagbigay sa mga arkitekto na gumawa ng malalim na interpretasyon ng arkitekturang Klasiko at magbuod ang kanilang sariling natatanging estilo.

                                               

Kanlurang Asya

Ang Kanlurang Asya ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig - ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israe ...

                                               

Troya

Ang Troya ay isang lungsod sa hilaga-kanluran ng Asya Menor. Ito ang sentro ng Digmaang Trohano, na isinasalaysay sa may walong habang mga tulang epiko, anim mula sa Siklong Epiko at dalawang isinulat ni Homer na tinawag na Iliada at ang Odisea. Sa kasalukuyan, ito ang pangalan ng isang pook na pang-arkeolohiya, ang lokasyon ng Homerikong Troy Troya ni Homer, sa Hisarlik na nasa loob ng Anatolia, malapit sa dalampasigan na tinatawag sa ngayon bilang lalawigan ng Çanakkale sa hilaga-kanlurang Turkiya, na nasa timog-kanluran ng Dardanelles. Itinalaga ng UNESCO ang pook na pang-arkeolohiya bi ...

                                               

Buto ng Ishango

Ang buto ng Ishango ay isang kagamitang yari sa buto na may habang 10 sentimetro at pinaghihinalaang isa ring kagamitang matematikal. Tinatayang ginawa noong panahon ng Mataas na Paleolitiko, ang buto ay ang pibula ng isang papio na may matulis na piraso ng kuwarso isa sa mga dulo nito, maaaring para sa pag-uukit. Pinaghihinalaang ginamit ito bilang isang pantalâ ng ilan, dahil na rin may isang serye ng mga guhit na nakalagay rito na ipinagpapalagay na mga talang pammarkang inukit sa tatlong hanay. Pinabubulaan ito ng ilan, na nagpapalagay naman na maaaring ginawa ang mga guhit na ito para ...

                                               

Karl Mauch

Si Karl Gottlieb Mauch ay isang eksplorador na Aleman at heograpo ng Africa. Iniulat niya ang tungkol sa arkeolohikal na lugar ng Dakilang Zimbabwe noong 1871 sa panahon ng kanyang paghahanap para sa lupaing Ophir na isang lugar na binaggit sa bibliya.

                                               

Mga Amazona

Ang mga Amazona na kilala rin bilang Oiorpata sa wikang Scythian ay isang bansa ng mandirigma na lahat ay babae sa Mitolohiyang Griyego at sa panahong Klasiko. Inilagay ng historyan na si Herodotus ang mga Amazon sa isang rehiyon na humahangganan sa Scythia sa Sarmatia. Sila ay inilagay ng ilang mga historyograpo sa Asya menor o minsan sa Libya. Iniulat ni Herodotus na ang mga Sarmatian ay mga inapo ng mga Amazon at mga Eskito at ang kanilang mga asawang babae ay nagmasid ng kanilang mga sinaunang kustombreng pang-ina. Isinaad ni Herodotus na walang babae ng mga Amazona ang makakapagpakasa ...

                                               

Oxyrhynchus Papyri

Ang Oxyrhynchus Papyri ay ang pangkat ng mga manuskrito na nadiskubre ng mga arkeologong Ingles na sina Bernard Pyne Grenfell at Arthur Surridge sa Oxyrhynchus, Ehipto. Ito ay naglalaman ng mga dokumentong Griyego kabilang na ang mga manuskristo ng Bagong Tipan, mga dokumentong Latin at mga iba pang gawang literatura.

                                               

Sinaunang Ehipto

Ang Sinaunang Ehipto, Matandang Ehipto, o Lumang Ehipto ay isang matandang kabihasnan sa silangang Hilagang Aprika, na matatagpuan sa mababang bahagi ng Ilog Nilo na kung saan naroon ang kasalukuyang bansa na Ehipto. Nagsimula ang kabihasnan noong 3150 BC kasama ang pampolitika na pagsasama ng Mataas at Mababang Ehipto sa ilalim ng unang paraon, at umunlad sa mga sumunod na 3 milenyo. Ang kasaysayan ng Sinaunang Ehipto ay binubuo ng mga matatag na mga kaharian, na hinati ng mga panahon na tinatawag na Intermedyang Panahon. Narating ng Ehipto ang kanyang tugatog sa panahon ng Bagong Kaharia ...

                                               

Taong Java

Ang Taong Java ay isang sub-espesye ng Homo erectus na ang mga fossil ay natagpuan sa Java, Indonesia ng siyentipikong Olandes na si Eugène Dubois noong 1891. Ito ang isa sa mga unang alam na specimen ng Homo erectus. Tinawag itong Pithecanthropus erectus ni Dubois, nang matuklasan niya ito mula sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesia. Ito ay pinaniniwalaang umiral sa pagitan ng 1 milyong taon at 700.000 taong nakakalipas. Ito ay nakaraang iminungkahi ng mga ilang mga siyentipiko na isang potensiyal na anyo sa pagitan ng mga modernong tao at karaniwang ninuno na pinagsaluhan ng tao sa ibang m ...

                                               

Taong Kro-Manyon

Ang Cro-Magnon ay isa mga pangunahing mga uri ng arkaiko o sinaunang Homo sapiens ng Paleolitikong Europa, na ginamit para sa mga ispesimen o halimbawa ng posil o kusilba pinetsahang tinatayang mga 40.000 hanggang 10.000 mga taon na ang nakaraan. Pinangalanan ito mula sa yungib ng Crô-Magnon na nasa timog-kanlurang Pransiya, kung saan natagpuan ang unang ispesimen. Bumabagsak ang katawagan o termino sa labas ng pangkaraniwang kumbensiyon o gawa sa pagpapangalan para sa sinaunang mga tao at ginagamit sa diwang panglahat para sa pinakamatandang moderno o makabagong taong nasa Europa, bagaman ...

                                               

Taong Nebraska

Ang Taong Nebraska ay isang pangalang ginamit ng mga mamamahayag sa radyo, telebisyon, at pahayagan para sa Hesperopithecus haroldcookii, isang putatibo o itinuturing na uri ng bakulaw. May ibig sabihing "bakulaw ng kanluraning mundo" ang Hesperopithecus at itinuring itong isang unang mas mataas na primata ng Hilagang Amerika. Bagaman hindi isang sinasadyang panlilinlang, napatunayang mali ang klasipikasyon nito. Orihinal na nilarawan ito ni Henry Fairfield Osborn noong 1922 batay sa isang ngiping natagpuan sa Nebraska, Estados Unidos ng rantsero o hasendero at heolohistang si Harold Cook ...

                                               

Taong Peking

Ang Taong Peking, na kilala rin bilang Sinanthropus pekinensis o Pithecanthropus pekinensis ngunit pangkasalukuyang tinatawag na Homo erectus pekinensis, ay isang halimbawa ng Homo erectus. Isang pangkat ng mga ispesimeng fossil ang natagpuan noong 1923 hanggang 1927 habang naghuhukay sa Zhoukoudian malapit sa Beijing, Tsina. Mas kamakailan lamang, pinetsahan ang mga natuklasan mula mga 500.000 mga taon na ang nakalilipas., bagaman may isang bagong pag-aaral na nagmumungkahing maaaring umaabot sila sa 680.000 hanggang 780.000 mga taong gulang na. May isang bilang din ng mga fossil ng moder ...

                                               

Taong Piltdown

Ang Taong Piltdown ay dating iniisip na "nawawalang ugnay" sa pagitan ng tao at ng bakulaw. Natuklasan ang unang mga piraso o pragmento ng Taong Piltdown noong 1912. Pagkaraan, mahigit sa 500 mga makaagham na sanaysay ang naisulat hinggil dito sa loob ng 40 taon. Napatunayang isang sinadyang panlilinlang ang pagkakatuklas na ito noong 1953. Isa itong bantog na panloloko na kinasasangkapan ng mga piraso ng isang bungo at isang pangang nakuha mula sa isang hukay sa Piltdown, isang nayong malapit sa Uckfield, Silangang Sussex, sa Inglatera. Inisip ng mga dalubhasa noong mga araw na iyon na an ...

Artipakto
                                               

Artipakto

Tungkol ang artikulong ito sa artipakto ng arkeolohiya. Para sa ibang gamit, tingnan artipakto paglilinaw. Sa arkeolohiya, ang relikya o artefact ay isang bagay na nakukuha na nanggaling pa noong unang panahon at ginawa, hinubog at/o ginamit ng kultura ng tao. Maaari itong armas, alahas, kuwintas, banga, pera, at iba pang mga bagay na nahuhukay ng isang arkeologo. Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkeolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Weneg (paraon)
                                               

Weneg (paraon)

Si Weneg na kilala rin bilang Weneg-Nebti ang paraon na namuno sa Ikalawang dinastiya ng Ehpto. Bagaman ang kanyang posisyong kronolohikal ay maliwanag sa mga Ehiptologo, ang tagal ng kanyang pamumuno ay hindi. Hindi rin maliwanag kung aling natukoy ng arkeolohiya na mga haring-Horus ang tumutugon sa kanya.