Back

ⓘ Dawag. Ang dawag o tinikan ay isang uri ng halamang matinik. Ito ang mga pangkaraniwang pangalan para sa isang pangkat ng mga halamang namumulaklak na may katan ..




Dawag
                                     

ⓘ Dawag

Ang dawag o tinikan ay isang uri ng halamang matinik. Ito ang mga pangkaraniwang pangalan para sa isang pangkat ng mga halamang namumulaklak na may katangian ng pagkakaroon ng mga dahong may matatalim na mga tinik sa mga gilid. Karamihan sa kanila ang kabilang sa pamilyang Asteraceae. Kalimitang lumilitaw ang mga tinik sa kabuoan ng halaman, partikular na sa mga kapatagan ng mga tangkay at patag na mga bahagi ng mga dahon. Isa itong uri ng adaptasyon upang mapagsanggalang ng halaman ang kanyang sarili laban sa mga hayop na herbiboro o kumakain ng mga halaman. Dahil sa mga tinik nito, hindi nahihikayat ang hayop na kainin ang halamang dawag.