Back

ⓘ Pamantasang Estatal ng Kansas. Ang Pamantasang Estatal ng Kansas, na karaniwang kilala sa tawag na Kansas State o K-State, ay isang pampublikong unibersidad na ..




Pamantasang Estatal ng Kansas
                                     

ⓘ Pamantasang Estatal ng Kansas

Ang Pamantasang Estatal ng Kansas, na karaniwang kilala sa tawag na Kansas State o K-State, ay isang pampublikong unibersidad na pananaliksik na may pangunahing kampus sa lungsod ng Manhattan, Kansas, Estados Unidos. Ang Kansas State ay binuksan bilang land-grant na kolehiyo ng estado noong 1863 at siyang unang pampublikong institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa estado ng Kansas.

Ang unibersidad ay nauuri bilang isa sa 115 na mga unibersidad sa pananaliksik na may pinakamataas na aktibidad sa pananaliksik R1 ayon sa Carnegie Classification of Institutions of Higher Education.

Mayroong mga sangay na kampus ang unibersidad sa mga lungsod ng Salina at Olathe. Ang Kansas State University Polytechnic Campus sa Salina ay tahanan ng College of Technology and Aviation. Ang Olathe Innovation Campus may pagtuon sa gradwadong pag-aaral sa bioenerhiya, kalusugan ng hayop, agham ng halaman, kaligtasan ng pagkain, at seguridad.