Back

ⓘ Pamantasang Estatal ng Iowa. Ang Pamantasang Estatal ng Iowa, na mas kilala bilang Iowa State, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan ..




Pamantasang Estatal ng Iowa
                                     

ⓘ Pamantasang Estatal ng Iowa

Ang Pamantasang Estatal ng Iowa, na mas kilala bilang Iowa State, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Ames, Iowa, Estados Unidos. Ito ang pinakamalaking unibersidad sa estado ng Iowa at ang ikatlong pinakamalaking unibersidad sa Big 12 athletic conference. Ang Iowa State ay inuri bilang isang unibersidad na may "pinakamataas na aktibidad ng pananaliksik" ayon sa Carnegie Foundation for the Advancement of Teaching. Ang Iowa State din ay miyembro ng Association of American Universities, na binubuo ng 60 nangungunang unibersidad pananaliksik sa Hilagang Amerika.