Back

ⓘ Pamantasang Brandeis. Ang Pamantasang Brandeis ay isang Amerikanong pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Waltham, Massachusetts, 9 milya sa k ..




Pamantasang Brandeis
                                     

ⓘ Pamantasang Brandeis

Ang Pamantasang Brandeis ay isang Amerikanong pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Waltham, Massachusetts, 9 milya sa kanluran ng Boston. Itinatag noong 1948 bilang isang di-pansekta at koedukasyonal na institusyon na iniisponsoran ng pamayanang Hudyo, ang Brandeis ay itinatag sa lokasyon ng dating Pamantasang Middlesex. Ang unibersidad ay ipinangalan kay Louis Brandeis, ang unang hukom na Hudyo sa Korte Suprema ng Estados Unidos. Ito ay naging miyembro ng Association of American Universities mula noong 1985 at Boston Consortium na kasama ang Kolehiyo ng Boston, Unibersidad ng Boston at Pamantasang Tufts.

Ang university ay nakapokus sa liberal na arte, at sangkapat sa mag-aaral nito ay galing sa labas ng Estados Unidos. Ang mga nagtapos dito ay kinabibilangan ng nanalo ng Academy Award na si Michael Sugar, nanalo ng Pulitzer Prize na si Thomas Friedman, at nagwagi ng Nobel Prize na si Roderick MacKinnon.