Back

ⓘ Pamantasang Estatal ng Hilagang Carolina. Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Hilagang Carolina ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan s ..




Pamantasang Estatal ng Hilagang Carolina
                                     

ⓘ Pamantasang Estatal ng Hilagang Carolina

Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Hilagang Carolina ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Raleigh, North Carolina, Estados Unidos. Ito ay bahagi ng sistema ng Unibersidad ng Hilagang Carolina at ito ay isang land, sea, at space-grant na institusyon. Ang unibersidad ay bumubuo sa isang "sulok" ng Research Triangle kasama ang Pamantasang Duke sa Durham at Unibersidad ng Hilagang Carolina sa Chapel Hill.

Itinatag ng North Carolina General Assembly ang North Carolina College of Agriculture and Mechanic Arts, ngayon NC State, noong Marso 7, 1887, bilang isang land-grant na kolehiyo. Ngayon, ang NC State may higit-kumulang 34.000 mag-aaral, kayat ito ang pinakamalaking unibersidad sa dalawang estadong Carolina. Ang NC State ay kilala sa mga disiplina ng inhinyeriya, istatistika, agrikultura, agham-buhay, tela at disenyo.