Back

ⓘ Pamantasang Emory. Ang Pamantasang Emory ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa kapitbahayan ng Druid Hills sa lungsod ng Atlanta, Georgia, Estados U ..




Pamantasang Emory
                                     

ⓘ Pamantasang Emory

Ang Pamantasang Emory ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa kapitbahayan ng Druid Hills sa lungsod ng Atlanta, Georgia, Estados Unidos. Ang unibersidad ay itinatag bilang Kolehiyong Emory noong 1836 sa Oxford, Georgia sa pamamagitan ng Methodist Episcopal Church at ipinangalan sa karangalan ng obispong Metodista na si John Emory. Noong 1915, ang kolehiyo ay nirelokeyt sa kasalukuyan nitong lokasyon sa Druid Hills at rechartered bilang Pamantasang Emory. Ang unibersidad ay ang pangalawang pinakamatandang pribadong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Georgia at kasali sa limampung pinakamatandang mga pribadong unibersidad sa Estados Unidos. Ang Emory ay madalas na binabanggit bilang isa sa mga nangungunang unibersidad sa pananaliksik sa mundo at isa sa mga nangungunang institusyon sa Estados Unidos.