Back

ⓘ Unibersidad ng Montreal. Ang Unibersidad ng Montreal ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa lungsod ng Montreal, Quebec, Canada. Ang university ma ..




Unibersidad ng Montreal
                                     

ⓘ Unibersidad ng Montreal

Ang Unibersidad ng Montreal ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa lungsod ng Montreal, Quebec, Canada. Ang university main campus ay matatagpuan sa hilagang libis ng mga borough ng Mont-Royal sa Outremont at Côte-des-Neiges. Ang institusyong francophone ay binubuo ng 13 fakultad, higit sa 60 mga kagawaran at 2 kaakibat na mga paaralan: ang École Polytechnique at HEC Montréal. Ito ay nag-aalok ng higit sa 650 undergraduate at graduate na mga programa, kabilang ang 71 programang doktoral.

Ang unibersidad ay itinatag bilang isang satellite campus ng Université Laval noong 1878. Ang unibersidad ay naging isang independiyenteng institusyon matapos magawaran ng tsarter ng papa noonga 1919, at probinsyal na tsarter noong 1920. Ang unibersidad ay inilipat mula sa Montreal Quartier Latin sa kasalukuyang nitong lokasyon sa Mont-Royal noong 1942. Ang unibersidad ay naging isang sekular na institusyon sa pagpasa ng isa pang probinsiyal na tsarter noong 1967.