Back

ⓘ Unibersidad ng Aarhus. Ang Unibersidad ng Aarhus ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Aarhus, Denmark. Itinatag noong 1928, ito a ..




Unibersidad ng Aarhus
                                     

ⓘ Unibersidad ng Aarhus

Ang Unibersidad ng Aarhus ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Aarhus, Denmark. Itinatag noong 1928, ito ang ikalawang pinakamatandang unibersidad sa bansa at ang pinakamalaki, na may isang kabuuang bilang ng mag-aaral na 44.500 noong 2013, matapos isanib dito ang Aarhus School of Engineering. Sa pinakaprestihiyosong mga pagraranggo ng mga pinakamahusay na mga unibersidad, ang Unibersidad ng Aarhus nakalagay sa Top 100. Ang unibersidad ay kabilang sa Coimbra Group ng mga unibersidad na Europeo. Ang paaralan ng negosyo sa loob ng Unibersidad, na tinatawag na Aarhus BSS, ay merong hawak na Equis accreditation mula sa EFMD Equis accreditation, at miyembro ng Association to Advance Collegiate Schools of Business at Association of MBAs. Dahil dito, ito ay naging isa sa kaunting mga paaralan sa mundo na nakatanggap ng Triple Crown accreditations. Ayon sa Times Higher Education, ang Aarhus University ay nasa Top 10 ng pinakamagandang mga kampus sa Europa.

Ang unang propesor ng sosyolohiya ng Denmark ay naging guro ng unibersidad Theodor Geiger, mula 1938-1952, at noong 1997, si Propesor Jens Christian Skou ay nakatanggap ang Nobel Prize in Chemistry para sa kanyang pagtuklas ng sodium-potassium pump. Noong 2010, natanngap ni Dale T. Mortensen, isang Niels Bohr Visiting Professor ng Aarhus, ang Nobel Memorial Prize in Economic Sciences kasama sina Pedro Diamond at Christopher Pissarides.