Back

ⓘ Pambansang Unibersidad ng Costa Rica. Ang Pambansang Unibersidad ng Costa Rica ay isa sa limang mga pampublikong unibersidad sa Republika ng Costa Rica, sa Gitn ..




Pambansang Unibersidad ng Costa Rica
                                     

ⓘ Pambansang Unibersidad ng Costa Rica

Ang Pambansang Unibersidad ng Costa Rica ay isa sa limang mga pampublikong unibersidad sa Republika ng Costa Rica, sa Gitnang Amerika. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa lungsod ng Heredia. Ayon sa mga pandaigdigang pag-aaral, ang Pambansang Unibersidad ng Costa Rica ay kasama sa mga nangunguna sa Latinong Amerika. Higit sa 12.000 mag-aaral ang pumapasok sa pangunahing kampus. Bilang karagdagan sa malawak na hanay ng mga disiplinang pang-undergraduate, nag-aalok din ito ng 16 Master of Arts degrees. Ito ay kilala para sa mga programa nito sa ekolohiya, sosyolohiya at edukasyon.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.