Back

ⓘ Unibersidad ng British Columbia. Ang Unibersidad ng British Columbia ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na may kampus at pasilidad sa lalawigan n ..




Unibersidad ng British Columbia
                                     

ⓘ Unibersidad ng British Columbia

Ang Unibersidad ng British Columbia ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na may kampus at pasilidad sa lalawigan ng British Columbia, Canada. Itinatag noong 1908 bilang ang Kolehiyo ng British Columbia ng Pamantasang McGill, ang unibersidad ay naging malaya at pinagtibay ang kasalukuyang pangalan nito noong 1915. Ito ang pinakamatandang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa British Columbia at may higit sa 60.000 mag-aaral sa mga kampus sa Vancouver at Okanagan Valley. Karamihan sa mga mag-aaral ay nakatala sa limang mas malaking fakultad: Sining, Agham, Aplikadong Agham, Fakultad ng Medisina at ang Sauder School of Business. Ang UBC may sukay na 4.02 square kilometre sa Vancouver campus na nasa loob ng University Endowment Lands 10 kilometre sa kanluran ng Downtown Vancouver. Ang 2.09 square kilometre na Okanagan campus, nakuha noong 2005, ay nasa Kelowna.

Ayon sa taunang ranggo ng Macleans at US News and World Report, ang unibersidad ay konsistent na nararanggo na kabilang sa tatlong nangungunang unibersidad sa pananaliksik sa buong bansa. Noong 2015, niranggo ng US News and World Report at Times Higher Education ang UBC bilang isa sa 20 pinakamahusay na mga pampublikong unibersidad sa buong mundo. Meron itong taunang badyet sa pananaliksik na nagkakahalaga ng $600 milyon. Ang mga guro, gradweyt, at mananaliksik ay nakatanggap ng pitong Nobel Prize, 69 Rhodes Scholarship, 65 medalyang Olimpiko, 8 kasapian sa American Academy of Arts & Sciences at 208 fellowships sa Royal Society of Canada.