Back

ⓘ École Normale Supérieure. Ang École normale supérieure ay isang Pranses na grande école, at isang bahaging kolehiyo ng sistemang PSL Research University ng Pari ..




École Normale Supérieure
                                     

ⓘ École Normale Supérieure

Ang École normale supérieure ay isang Pranses na grande école, at isang bahaging kolehiyo ng sistemang PSL Research University ng Paris. Ito ay itinatag sa panahon ng Himagsikang Pranses at inilaan para magkaroon ang Republika ng isang bagong samahan ng mga propesor na niyayakap ang kritikal na diwa at pagpapahalagang sekular ng Panahon ng Pagkamulat.

Kabilang sa mga nagtapos sa ENS ay kinabibilangan ng 13 Nobel Prize laureates, kabilang ang 8 sa Pisika ang ENS may pinakamataas na ratio ng Nobel laureates kada alumnus sa anumang institusyon sa buong mundo, 11 Fields Medalists ang pinakamarami sa anumang unibersidad sa mundo, higit sa kalahati ng mga tumanggap ng Gold Medal ng CNRS ang pinakamataas na premyong pang-agham sa Pransiya, ilang daang mga miyembro ng Institut de France, at ilang mga politiko at estadista. Ang paaralan ay nagkamit ng pagkilala sa larangan ng matematika at pisika bilang isa sa nangunguna sa Pransiya. Dito nagmula ang mga manunulat na sina Julien Gracq, Jean Giraudoux, Assia Djebar, Charles Péguy, mga pilosopong gaya nina Henri Bergson, Jean-Paul Sartre, Louis Althusser, Simone Weil, Maurice Merleau-Ponty at Alain Badiou, siyentipikong panlipunan gaya nin Émile Durkheim, Raymond Aron, at Pierre Bourdieu, at "teoristang Pranses" tulad nina Michel Foucault at Jacques Derrida.