Back

ⓘ Pamantasang McGill. Ang Pamantasang McGill ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Montreal, Canada. Ito ay itinatag sa pamamagitan ng royal charte ..




Pamantasang McGill
                                     

ⓘ Pamantasang McGill

Ang Pamantasang McGill ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Montreal, Canada. Ito ay itinatag sa pamamagitan ng royal charter na iginawad ni Haring George IV ng Great Britain noong 1821. Dinala ng unibersidad ang pangalan ni James McGill, isang prominenteng mangangalakal ng Montreal mula sa Scotland na dahil sa kanyang pagpapamana noong 1813 ay nabuo ang pasimula ng unibersidad, ang Kolehiyong Kolehiyo. Ang instruksyon sa unibersidad ay sa wikang Ingles.

Kabilang sa alumni ng unibersiad ay 12 Nobel laureates at 140 Rhodes Scholars, ang pinakamarami sa buong bansa, pati na rin ang tatlong astronaut, tatlong punong ministro ng Canada, labintatlong mahistrado ng Kataas-Taasang Hukuman ng Canada, apat na dayuhang lider, 28 banyagang embahador, siyam na nagwagi ng Academy Award, labing-isang nagwagi ng Grammy Award, tatlong nagwagi ng Pulitzer Prize, at 28 nagwagi ng medalya sa Palarong Olimpiko. Sa buong kasaysayan nito, ang mga alumni ng McGill may ambag sa pag-imbento o higit na pagsasaayos ng Amerikanong futbol, basketbol, at ice hockey.