Back

ⓘ Pamantasang Harvard. Ang Pamantasang Harvard ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Cambridge, sa estado ng Massachusetts, ..




                                     

ⓘ Pamantasang Harvard

Ang Pamantasang Harvard ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Cambridge, sa estado ng Massachusetts, Cambridge, Massachusetts Estados Unidos. Itinatag noong 1636, itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamaimpluwensya at prestihiyong unibersidad sa mundo. Miyembro ito ng Ivy League na kinabibilangan ng iba pang matanda at prestihiyosong kolehiyo sa Estados Unidos.

Ang unibersidad ay isinaayos sa labing-isang pang-akademikong yunit, sampung fakultad at ang Radcliffe Institute for Advanced Study, na may mga kampus sa buong metropolitan area ng Boston: ang 209-acre 85 ha main campus ay nakasentro sa Harvard Yard sa Cambridge, humigit-kumulang 3 milya 5 km sa hilagang-kanluran ng Boston; ang Paaralan ng Negosyo at pasilidad sa isports, kabilang ang Harvard Stadium, ay matatagpuan sa kahabaan ng Charles River sa Allston neighborhood ng Boston, at ang mga paaralang medikal, dental, at para sa pampublikong kalusugan ay nasa Longwood Medical Area. Ang $34.5 billion financial endowment ng Harvard ay ang pinakamalaki sa anumang akademikong institusyon.

Ang Harvard ay isang malaki at residensyal na unibersidad sa pananaliksik. Ito ay nagpapatakbo ng ilang mga meso ng sining, kultura, at agham, sa tabi ng Harvard Library, na ang pinakamalaking akademiko at pribadong sistemang pang-aklatan, na binubuo ng 79 indibidwal na mga aklatan na may higit sa 18 milyong mga volyum. Ang alumni ng Harvard ay binubuo ng walong pangulo ng Estados Unidos, ilang pinuno ng ibang bansa, 359 Rhodes scholar, at 242 Marshall scholar. Sa kasalukuyan, 130 Nobel laureates, 18 Fields Medalists, at 13 Turing Award winners may kaugnayan sa unibersidad bilang mag-aaral, guro, o kawani.

                                     

1. Mga Paaralan

  • Education
  • Engineering and Applied Sciences
  • Harvard College
  • Public Health
  • Government
  • Extension
  • Design
  • Dental Medicine
  • Medicine
  • Divinity
  • Arts and Sciences
  • Business
  • Law